Wednesday, 18 July 2018

Kasama na ba ang domestic charges?

Ang domestic charges ay kasama na kung tatawag mula sa Japan at ang gamit ay 0091-20 prefixes, o ang Free Dial access numbers. Para sa Free Less calls, ang domestic charges para sa pagtawag sa access point ay hindi kasama. Kayo ay magkakaroon ng hiwalay na bill mula sa inyong phone provider para sa pagtawag sa access point, mula sa simula hanggang matapos ang tawag. Walang domestic charges kung tumatawag mula sa smartphone gamit ang mga available apps.
Ang International Access numbers ay toll-free, maliban na lamang kung may “note”. Subalit may mga pagkakataon na maaaring magkaroon ng bill para sa domestic charges, kahit na ang access numbers ay toll-free. Ang ibang hotels, mobile phone companies at public phones ay maaaring mag-charge para domestic calls o connection fees. Para sa karagdagang detalye, kumontak sa inyong  hotel management o local carrier.

No comments:

Post a Comment