Wednesday, 18 July 2018

Maaari ko ba itong magamit kahit sa anong klase ng telepono?

Oo. Ang Brastel Card ay maaaring magamit sa fixed, mobile o public phones. Ang access phone number o ang prefix na kailangang i-dial ay depende sa klase ng teleponong gagamitin. Para sa karagdagang impormasyon, i-check ang aming pages para sa rates, paraan ng paggamit mula sa Japan at mula sa ibang bansa.

Ang Brastel Card ay maaari rin magamit sa smartphones, computers at iba pang devices. Para sa karagdagan impormasyon, i-click here.

Maaari ko ba itong gamitin mula sa ibang bansa?

May International Access numbers para sa ilang bansa. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang paraan ng paggamit mula sa ibang bansa. Kung kayo ay may smartphone at may Wi-Fi connection sa  ibang bansa maaaring gamitin ang Brastel Card sa pamamagitan ng isa sa mga available apps.Para sa karagdagang impormasyon, i- click here.

Magagamit ko ba ito para sa domestic calls?

Oo. Ang Brastel Card ay magagamit para sa domestic calls. I-dial lamang ang Japan country code "81" kasunod ang area code (alisin ang unang “0”) at ang phone number.

Kasama na ba ang domestic charges?

Ang domestic charges ay kasama na kung tatawag mula sa Japan at ang gamit ay 0091-20 prefixes, o ang Free Dial access numbers. Para sa Free Less calls, ang domestic charges para sa pagtawag sa access point ay hindi kasama. Kayo ay magkakaroon ng hiwalay na bill mula sa inyong phone provider para sa pagtawag sa access point, mula sa simula hanggang matapos ang tawag. Walang domestic charges kung tumatawag mula sa smartphone gamit ang mga available apps.
Ang International Access numbers ay toll-free, maliban na lamang kung may “note”. Subalit may mga pagkakataon na maaaring magkaroon ng bill para sa domestic charges, kahit na ang access numbers ay toll-free. Ang ibang hotels, mobile phone companies at public phones ay maaaring mag-charge para domestic calls o connection fees. Para sa karagdagang detalye, kumontak sa inyong  hotel management o local carrier.

Kailangan ko bang magbayad ng connection fees?

Hindi. Walang connection fees.

Kailangan bang kumuha ng panibagong card kapag naubos na ang lahat ng credits?

Hindi. Ang Brastel Card ay maaaring i-recharge sa convenience stores, authorized recharging points, o online gamit ang credit cards na issued in Japan at PayPal.
Maraming advantages kung ire-recharge ang inyong card. Maaaring irehistro ang inyong phone number at ang mga numerong madalas tawagan para mapabilis ang inyong pag-dial; maaaring irehistro ang inyong personal information upang kayo ay mapadalhan ng bagong kopya ng card at maaaring palitan ang PIN kung sakaling nawala ang inyong card; at walang masasayang sa mga natitirang credits ng inyong card.

Ang akin bang credits ay mae-expire?

Ang inyong credits ay mae-expire isang taon matapos ang pinakahuling gamit o recharge. Ang expired credits ay hindi refundable.

Kailangan ko bang irehistro ang aking personal information sa Brastel?

Hindi kailangan, subalit aming nire-recommend. Ang pagpaparehistro ng inyong personal information ay magbibigay sa amin ng pagkakataon na mabigyan kayo ng mas higit na personalized service, bukod sa mapapabilis ang personal identification process sakaling  mawala ang inyong card o makalimutan ang inyong PIN. Ang inyong personal information ay hindi ipamamahagi, ipagbibili, ipagpapalit  o ipagbibigay-alam ng Brastel sa third parties.

Maaari bang makagawa ng 2 o higit pang magkasabay na tawag?

Ang parehong access code ay hindi maaaring magamit para sa 2 o mas higit pang magkakasabay na tawag. Kailangang tapusin ang naunang tawag bago gumawa ng bago.

Ilang beses maaaring i-recharge ang aking card?

Maaaring i-recharge ng kahit ilang beses ang inyong card sa mga convenience stores o authorized recharging points. Kung magbabayad gamit ang coupons, ang bilang lamang ng coupons na nais bayaran ang iabot sa store’s clerk.
Para sa mga kadahilanang panseguridad, ang credit card payment ay may daily at weekly limit sa halaga na maaaring i-recharge. Ang limit ay maaaring taasan matapos mag-request at ma-verify. Tumawag sa Customer Service para sa mga katanungan.

Gaano katagal bago ma-reflect sa balanse ng card ang ginawang recharge?

Ang recharges ay mapo-proseso sa loob ng 5 minuto, subalit may mga pagkakataon na ito ay matagalan depende sa communication network ng store, credit card company at Brastel. Kung sa inyong palagay, ito ay masyadong matagal o hindi naproseso ng maayos, tumawag lamang sa Customer Service. Ang kopya ng binayarang resibo ay makakatulong para sa mas mabilis na pagberipika.

Maaari bang i-recharge ang aking card kahit hindi sa Japan?

Oo, maaari ninyong i-recharge ang inyong Brastel Card kahit na nasa ibang bansa gamit ang credit card na na-issue sa Japan, o via PayPal, sa pamamagitan ng Brastel website: mag-sign in sa My Account > i-click sa “Credit Card / PayPal” at sundan ang instructions. O mula sa inyong smartphone: mag-sign in sa My Account > pindutin sa Payments icon at sundan ang instructions.

Bakit magkakaiba ang klase ng rates?

May iba’t ibang access phone numbers/prefixes at calling methods sa bawat klase ng telepono at lugar para maibigay namin ang mas mababang rate.
Ang rates sa parehong destinasyon ay maaaring mag-iba depende sa klase ng telepono at sa ibang pagkakataon, ng provider.

Ang rates ba ay pareho 24 hours/day?

Oo. Ang rates ay pareho 24 hours/day, at kahit anong araw.

Paano ba ang billing sa mga tawag na aking nagawa?

Ang billing increments ay mag-iiba depende sa paraan ng ginawang pagtawag:
  • 0091-20 prefix, Free Dial, Free Less: six seconds
  • FLIP at My 050 app (international calls): six seconds
  • FLIP at My 050 app (tawag sa fixed phones sa Japan): three minutes
  • FLIP at My 050 app (tawag sa mobile phones sa Japan): one minute

Paano mapapabilis ang pag-dial?

Maaaring irehistro ang numero ng teleponong inyong ginagamit sa inyong Brastel Card para hindi na pumili ng lengguwahe at mag-enter ng access code. Maaari ring irehistro sa Speed Dial ang destination phone numbers na madalas tawagan. Click here para sa karagdagang impormasyon.
Kung ang ginagamit ay My 050 app, maaaring i-save ang phone number sa inyong phone contact upang mapadali ang pagtawag.

Maaari bang gamitin ang ibang card sa aking telepono kahit na ang numero nito ay nakarehistro na sa aking card?

Oo. Ang aming system ay mare-recognize ang inyong phone number kung ito ay nakarehistro sa inyong card at hindi na kailangang mag-enter pa ng Access Code.  Kung nais gumamit ng ibang card, i-dial ang prefix 0091-20-22, o i-dial ang 184 bago ang access phone number; halimbawa, kung gagamitin ang Free Less number sa Tokyo, i-dial ang 184-03-5750-7802.

Bakit hindi ako makapagbayad gamit ang Smart Pit payments?

Ito ay karaniwang nangyayari kapag hindi nagamit sa pagbabayad ang Smart Pit  sa loob ng 3 buwan o higit pa. Para ma-activate muli ang inyong Smart Pit payment system, i-dial:
0
0
9
1
2
0
1
5
1
x
x
x
x
x
x
x
x
access code (PIN optional)
Kung hindi maaari ang 0091-20 prefixes mula sa inyong phone, mangyaring mag-sign in sa My Account, piliin ang "Smart Pit" mula sa menu at sundan ang instructions.

Ano ang dapat gawin kung sakaling mawala ang aking card?

Tumawag sa Customer Service. Pagkatapos ng ilang personal identification, padadalhan namin kayong muli ng kopya ng inyong card at papalitan ang inyong PIN. Kung hindi nakarehistro ang inyong personal information, kayo ay hindi maaaring mapadalhan ng card at ang natitirang credit sa inyong nawalang card ay hindi maaaring ma-refund.

Ano ang kailangang gawin kung nakalimutan ang PIN?

Tumawag sa Customer Service. Pagkaraan ng personal identification process, maaari nang palitan ang inyong PIN. Paalala lamang: kung hindi nakarehistro ang inyong personal information at walang sapat na katibayan para kayo ay ma-identify, ang inyong PIN ay hindi papalitan at ang natitirang credits sa inyong card ay hindi maaaring ma-refund.

Ang aking card ay na-recharge na subalit ang message ay sinasabing ako ay wala nang sapat na credit. Bakit?

Ang inyong phone ay maaaring nakarehistro sa ibang card na wala ng sapat na balanse. I-dial ang 0091-20-22 prefix at i-enter ang access code ng ni-recharge na card, o  huwag ipadala ang inyong caller ID. Tumawag sa customer service para sa iba pang katanungan.