Wednesday, 18 July 2018

Maaari ko ba itong magamit kahit sa anong klase ng telepono?

Oo. Ang Brastel Card ay maaaring magamit sa fixed, mobile o public phones. Ang access phone number o ang prefix na kailangang i-dial ay depende sa klase ng teleponong gagamitin. Para sa karagdagang impormasyon, i-check ang aming pages para sa rates, paraan ng paggamit mula sa Japan at mula sa ibang bansa.

Ang Brastel Card ay maaari rin magamit sa smartphones, computers at iba pang devices. Para sa karagdagan impormasyon, i-click here.

Maaari ko ba itong gamitin mula sa ibang bansa?

May International Access numbers para sa ilang bansa. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang paraan ng paggamit mula sa ibang bansa. Kung kayo ay may smartphone at may Wi-Fi connection sa  ibang bansa maaaring gamitin ang Brastel Card sa pamamagitan ng isa sa mga available apps.Para sa karagdagang impormasyon, i- click here.

Magagamit ko ba ito para sa domestic calls?

Oo. Ang Brastel Card ay magagamit para sa domestic calls. I-dial lamang ang Japan country code "81" kasunod ang area code (alisin ang unang “0”) at ang phone number.

Kasama na ba ang domestic charges?

Ang domestic charges ay kasama na kung tatawag mula sa Japan at ang gamit ay 0091-20 prefixes, o ang Free Dial access numbers. Para sa Free Less calls, ang domestic charges para sa pagtawag sa access point ay hindi kasama. Kayo ay magkakaroon ng hiwalay na bill mula sa inyong phone provider para sa pagtawag sa access point, mula sa simula hanggang matapos ang tawag. Walang domestic charges kung tumatawag mula sa smartphone gamit ang mga available apps.
Ang International Access numbers ay toll-free, maliban na lamang kung may “note”. Subalit may mga pagkakataon na maaaring magkaroon ng bill para sa domestic charges, kahit na ang access numbers ay toll-free. Ang ibang hotels, mobile phone companies at public phones ay maaaring mag-charge para domestic calls o connection fees. Para sa karagdagang detalye, kumontak sa inyong  hotel management o local carrier.

Kailangan ko bang magbayad ng connection fees?

Hindi. Walang connection fees.

Kailangan bang kumuha ng panibagong card kapag naubos na ang lahat ng credits?

Hindi. Ang Brastel Card ay maaaring i-recharge sa convenience stores, authorized recharging points, o online gamit ang credit cards na issued in Japan at PayPal.
Maraming advantages kung ire-recharge ang inyong card. Maaaring irehistro ang inyong phone number at ang mga numerong madalas tawagan para mapabilis ang inyong pag-dial; maaaring irehistro ang inyong personal information upang kayo ay mapadalhan ng bagong kopya ng card at maaaring palitan ang PIN kung sakaling nawala ang inyong card; at walang masasayang sa mga natitirang credits ng inyong card.

Ang akin bang credits ay mae-expire?

Ang inyong credits ay mae-expire isang taon matapos ang pinakahuling gamit o recharge. Ang expired credits ay hindi refundable.